Random Stuff III
Posted by obnoxiousone at 07:19 PM on April 2, 2008.
Tang ina, as in ang tagal kong hindi nagpost dito sa blog ko.
March 12 pa, April na.
April na, lumampas na birthday ko at all boys party naman ang nangyari. LOL. Buti na lang e hindi nagpunta yung ilang ka choir kong babae kasi for sure, maOOP yun.
How did i celebrated my 22nd birthday?
I woke up around 4:30 kasi ensayo namin sa choir ng 5:00 a.m. then after nun, tumulong at tumambay muna ako sa store namin kasi pag umaga, madalas ako na yung naghihiwa ng ilang mga bagay bagay para sa iluluto namin, mostly mga sibuyas at bawang ang kaharap ko pag umaga. Pati nga pala pitsel, yelo at thermos. Kasi ako rin pala yung nagdadala ng yelo pag umaga at nilalagay dun sa tubig namin.
After nung luto stuff, nagpasama ang aking ermat sa palengke para mamili ng ilang lulutuin para sa munting salo-salo ko noong gabi. Nabadtrip ako kasi may usapan kami nung mga kapitbahay ko na 9:30 kami maglalaro ng DOTA, kasi birthday nung kaibigan ko nung 27th and ang libre niya samin e DOTA na lang, which is past time naman talaga namin. :D Habang tinatype ko nga to e nasa isang shop ako habang naglalaro yung iba ng DOTA, kasi ayoko nung WTF kasi lag yung pc ko. Kadiri. Hehe.
After maglaro, mga 4 hours din yun, at ako'y nagsetup na sa bahay, naglinis ng ilang mga kagamitan, kinuha ang ilang mga pagkain dun sa tindahan kasi dun iniluto, para dadalhin na lang sa bahay. Ayun, nairaos naman yung munting party ko.
Salamat nga pala kay JR at Jeff (na ka-choir ko) dahil sila ay nagpaunlak sa aking imbitasyon na pumunta. Pumunta sila kasi magiinuman. At ito nga palang inuman na ito e naulit pa kagabi. LOL. Medyo dumami lang kami, nadagdagan ng dalawa pa. Hehe.
Putcha tong bakasyon na to e, DOTA araw araw ampf. Nakakaubos ng pera, pero namimiss ko pumasok. Hehe. Wala kasing baon e.
Wala na ako masabi. Sa uulitin.
~out