AYOS.
Sayang ang uniporme ko, kasi wala naman ako napasukan kanina. I mean pumasok ako kanina for the sake na makapagquiz ako sa isang subject, pero yung prof ko naman ang hindi pumasok. Ang nakakainis dun, nagaral ka for the quiz, yet hindi naman siya darating. Ayoko kasi ng ganun e. Alam mo yung halos mapuyat ka na kakaaral lang ng mga lintik na commands sa SQL tapos hindi naman pala matutuloy? Ang tagal na napopostpone ng quiz na yan e. Tapos yung next subject ko naman, pumasok pero wala namang ginawa. Ibinigay ang pamigay na quiz at finals. Swerte ko/namin dun. Hindi masyadong mabigat. Hindi nagpapa-major kumbaga.
May ibang subject kasi na tinalo pa ang major sa pagbibigay ng mga projects, presentations, etc. At naiinis ako pag ganun. Ha ha ha. Sobrang naiinis ako kapag may ganun na subject at pag ganun na nga, tinatamad na ako pumasok pag ganun.
Nabalitaan ko na magkakaroon ng rally ang Big 4 Universities today. Hindi pala rally yung gaganapin sa USTe. Ang title nung event: "Busina para sa katotohanan" Obvious naman ang gagawin di ba? 4-6 yung klase ko pero hindi na ako nagpaabot ng 6pm kasi ayokong mabingi sa mga busina ng mga sasakyan, at syempre iwas trapik din ako dahil Friday ngayon, Quiapo Day. Ayoko pa naman ng traffic kasi mainipin ako. Kaya pag may tsikot na ako, ang alis ko palaging yung mga oras na hindi na traffic. Ha ha ha.
The rally ay para sa suporta para kay Engr. Rodolfo "Jun" Lozada. He is a fellow Thomasian, and also, ka-college ko siya. BS ECE siya, class of 1984. At isa din siya sa mga Centennial Awardee ng College namin last year. Whistleblower siya about dun sa scandal na kinasasangkutan ng Pangulo at ng kontrobesyal na broadband deal, na kung saan ay kikita ng malaki ang palasyo.
"Moderate your greed."
Tang ina, kaya pala traffic. Inuulan ng rally ang buong Metro Manila. Noong sumakay ako ng bus pa-Alabang, may mga nakasalubong akong mga nagrarally, ang daming mga posters, mga leaflets na ipinamimigay. Isa lamang ang gusto nila: ang bumaba ang Pangulo sa kanyang pwesto.
Bilib din ako kay PGMA, hindi pa rin siya natitinag kahit kabi-kabila na ang protesta laban sa kanya. Pilit na siyang pinabababa sa pwesto, pero kinakabahan ako kapag ganun ang nangyari. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa bansa natin.
Natuwa pa ako kagabi sa sinabi ng Executive Secretary.
"Kung ang People Power ang nagluklok sa kanya sa pwesto, hindi rin ang People Power ang magpapatalsik sa kanya."
Pero kung talagang wala ka namang kasalanan, why should you step down di ba?
E putcha, konsensya na lang yan, o kaya Diyos na lang ang bahalang humusga sa mga pinagagagawa mo. =p
Tulog na ako. Maaga pa ensayo ko mamaya. :D
Currently listening to: Death Note Anime Soundtrack
Currently feeling: weird