Valentines Day '11
I really don't want this day to come. I posted on my Facebook before: "Diba after ng 13th, 15th na?" And that was my status with a lot of likes. Ang daming bitter.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ang bitter ko kapag dumarating ang February 14. Actually wala naman talaga kaming Valentines Day, kasi hindi kami naniniwala dito. Pero nayayamot ako lagi pag may lakad ako sa araw na ito.
Siguro kasi you know what to expect na makikita mo sa daanan: mga magkaholding hands, naghahalikan, mga bouquet at mga chocolates, mga naglalampungan.
And somehow upon seeing them, you'll feel na how LOSER you are na wala kang kapartner or kaganunan sa araw na 'to.
----
Hindi naman kailangang may partner ka to enjoy Valentines Day. Ano bang ginawa ko ngayon? I woke up early as usual, went to work, took calls, ate at KFC and went home. Normal na araw lang na dumaan. Kadate ko ang mga officemate ko sa KFC kasi imbis na magpakabitter kami sa araw na ito kasi wala nga kaming mga partner, inenjoy na lang namin ang company namin by eating. Inisip na lang namin na ngayong araw lang na ganito, panandalian lamang at matatapos din ang araw na ito.
Paguwi ko nga lang sa MRT, ayan na ang mga galing sa date. Mga magkakaholding hands, mga may hawak na bouquet, mga naghahalikan. Ayun na! Lintik na! Nainggit na naman ako.
I thought to myself, I should never get envious with these people. Masaya rin naman ang buhay kahit single ka, hindi naman kailangang may partner ka para maging masaya ka. Marami kang pwedeng gawin na mga bagay bagay na makakapagpasaya sayo. Para sa akin, isa na run: Kumain. Food is my comfort zone. Whenever I get mad, my tendency is to eat a lot. Ang sarap kasi kumain. At kanina nga ganun na lang ginawa namin at kadate namin si KFC (Sayang lang talaga at walang McDo/Jollibee). Ang saya. Today is not a boring day, which I thought it will be.
DAPAT WE SHOULD NOT COMPLICATE THINGS. Less talk, less mistakes.
Enjoy life. It has a lot to offer for each and everyone of us. 